‘Libreng Gamot Para sa Masa’ Inilunsad ng Duterte Administration

Mayroong libreng pa-checkup at gamot ang gobyerno bukod sa karaniwang medical assistance, paalala ng Department of Social Welfare and Development.
Umaarangkada na ang Libreng Gamot para sa Masa Program o LINGAP sa mga piling ospital.

“Libreng gamot po ito sa mga in-patient and out-patient sa mga ospital. P1 bilyon ang inilaan ng pangulo dito,” ayon kay Marlene Guzman, ang Officer-in-Charge ng Crisis Intervention Unit ng DSWD sa National Capital Region.

Gayunpaman, halos marami ang hindi nakaaalam sa serbisyong ito ng DSWD dahil wala pang 5,000 indibidwal ang naserbisyuhan ng programa. Sa P1 bilyong pondo ng LINGAP, P971 milyon pa ang halaga ng gamot na puwede pang matanggap ng mga mag-aapply na pasyente.

“Sa ospital mismo, puwede na bigyan ng gamot. Meron din kaming mga partner pharmacy na puwedeng kunan,” ani Guzman.

Sa ngayon, maaaring mag-apply sa mga sumusunod na ospital:
University of the Philippines-Philippine General Hospital (Manila)
Jose B. Lingad Memorial Hospital (San Fernando City, Pampanga)
Visayas Medical Center (Iloilo City)
Vicente Sotto Memorial Medical Center (Cebu City)
Southern Philippines Medical Center (Davao City)
Davao Regional Hospital (Tagum City)

Dalhin lamang ang mga sumusunod na requirements:

Valid ID
Written authorization, kung may ibang kukuha maliban sa pasyente
Proof of indigency, tulad ng barangay certificate
Prescription ng doktor na may kumpletong detalye
Muling paalala ng DSWD, karapatan ng publiko na mapakinabangan ang ganitong mga serbisyo mula sa pondong nakalap sa buwis.

Source: ABS-CBN News

Barangay Tanod sa Samar na Sangkot Umano sa Pagbebenta ng Droga Patay sa Buy Bust

Pangulong Duterte Pinagkaguluhan ng ilipino Community Organizations sa Hongkong!