3 Bilyong Dolyar, Target Ilagak ng China Railway Engineering Corporation Sa Pilipinas

Tatlong (3) bilyong dolyar na halaga ng imprastraktura ang di umano’y target ilagak ng China Railway Engineering Corporation o CREC sa Pilipinas sa susunod na taon.

1476887250-8075-W020120924616216805870

Sinasabing isa ito sa mga kasunduang papasukin ng CREC sa mga negosyanteng kasama ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang biyahe sa China.

Inaasahang kasama sa mapagkakasunduan ang planong Mindanao Railway System ng administrasyong Duterte.

Sakaling matuloy, ang malakihang proyekto ay isasailalim sa PPP o Public Private Partnership network.

(DWIZ)

Duterte, May Ibang Stratehiya Sa China – Political Analyst